Magpinsang holdaper, nasakote nang magviral sa Facebook ang video ng panghoholdap sa convenience store

Image capture of video by GMA News

Arestado ang dalawang holdaper ng isang convenience store sa Marulas, Valenzuela City matapos magviral sa Facebook ang kuha ng CCTV ng aktong panghoholdap ng mga suspek na napag-alamang magpinsan.

Nakilala ang dalawa na sina Ariel Dela Torre at Nomelito Inos. Umabot sa halos P10,000 ang perang nakuha ng mga suspek sa convenience store.

Ayon sa GMA, sinabi umano ni P/Supt. Freddie Colico, Deputy Chief ng Valenzuela Police na nahuli ang dalawa sa tulong ng impormasyon mula sa publiko na nakakilala sa mga suspek.

“Good to know mayroong citizen na nagturo kung nasaan ang mga ito,” sabi ni Colico.

Napag-alaman rin na bago ang panghoholdap sa convenience store sa Valenzuela City, nauna na nilang inatake ang dalawa pang convenience stores sa ibang lugar – isa sa Quezon City at isa sa Tondo, Maynila. Target umano ng dalawa ang mga tindahan na walang sapat na seguridad.