Magsasaka, natagpuang patay sa loob ng katawan ng isang malaking ahas

Imahe mula sa Wikipedia.Imahe mula sa Wikipedia.

Nawawala si Kuya.

Ang magsasaka umano ay bigla na lamang naglaho habang ito ay umaani ng kanyang tanim. Nakita na lamang ng mga tao ang higanteng ahas kung saan huling nakita ang magsasaka. Ito ay hinggil sa isang opisyal ng barangay noong Miyerkules, Marso 29, 2017, sa Mamuju, Indonesia.

Kinilala ang biktima bilang si Akbar, 25. Siya umano ay natagpuan nang buksan ng mga residente ang katawan ng ahas. Nasa pitong metro raw ang haba ng ahas na kumain sa magsasaka.

Ayon sa ulat ng GMA News, natagpuan ang ahas sa barangay ng Salubiro, silangang bahagi ng isla ng Sulawesi noong Lunes.

Sabi ng isang opisyal ng barangay na si Junaidi, una pa lamang ay nagsusupetsa na sila na kinain ng ahas si Akbar nang matagpuan ang kanyang mga gamit sa pagsasaka at isang sapin niya sa paa.

“We were immediately suspicious that the snake had swallowed Akbar because around the site we found palm fruit, his harvesting tool and a boot,” sabi ni Junaidi, hinggil sa isang artikulo ng GMA News.

[Naghinala na kami agad na kinain si Akbar ng isang ahas dahil aming natagpuan sa paligid ang palm fruit, mga kagamitan niya sa pagsasaka, at isang sapin niya sa paa.]

Ang pamilya ni Akbar ay nagsagawa ng paghahanap nang hindi siya makabalik mula sa plantasyon ng kanilang pamilya noong Linggo.

Saad ni Junaidi, kinain ng ahas nang buo ang magsasaka. Dagdag pa niya, ito lamang umano ang unang naitalang kamatayan sa kanilang rehiyon.

Ang uri ng ahas na kumain sa magsasaka ay makikita lamang sa Indonesia at Pilipinas. Ito ay may kakayahang lumaki hanggang 20 talampakan.

Kilala man ang mga ahas na ito bilang kumakain ng maliliit na hayop, ang ilang naman sa kanila ay nagtatangkang kumain ng tao.

Matatandaan na noong 2013 ay kinain ng isang ahas ang isang security guard sa isang mamahaling hotel sa Bali.

May video sa You Tube kung nais mapanood.