Maine Mendoza, Binansagan na ‘Iconic Woman’ ng MEGA Magazine

Larawan mula sa mega_magazine at mainedcm via Instagram accountLarawan mula sa mega_magazine at mainedcm via Instagram account

“Nung sinabi niya sa akin na kasama ako dito, parang naisip ko bakit? Eh ang daming iba, ang daming iba na ang tagal-tagal na dito, ilang covers na ‘yung nagawa nila, tapos ako. na suwerte ako na nakasama ako dito.”

Ito ang masayang pahayag ni Maine Mendoza matapos siyang pangalanan bilang isa sa “25 iconic women” ng MEGA magazine para sa ika 25th anniversary issue.

Ayon sa Instagram post ng Mega magazine, sobrang flattered si Mendoza na makasama rito.

Ayon sa MEGA magazine, isang phenomenal star si Mendoza at “relatable”. Anila, hindi maikakaila ang charm at sense of humor ni Mendoza.

Sa kabila ng kasikatan ni Mendoza sa bansa, nanatili siya na mapagkumbaba, ayon sa ulat ng GMA.

Pinangalanan din sina Marian Rivera, Heart Evangelista at Regine Velasquez sa “25 iconic women” ng MEGA magazine.