Maine Mendoza, may sarili nang cafe

Imahe mula sa FacebookImahe mula sa Facebook

May bagong negosyo na naman na binuksan ang kilalang aktres na si Maine Mendoza. Sa pagkakataong ito, isa namang cafe.

Ayon sa Abante, mula nang dagsain si Mendoza ng kabi-kabilang endorsements ay nagsimula na rin siyang mag-invest.

Bagama’t wala siyang nababanggit ni isa man sa mga investment ay natutuklasan lang ito ng kanyang mga fans. Marami na rin ang nakaaalam na nagmamay-ari na ng isang gas station ang kanyang pamilya sa Bulacan.

At ngayon nadagdagan umano ang kanyang negosyo. May-ari na rin siya ng isang food chain na siya rin mismo ang endorser. Ang mga fan din niya ang nakatuklas ng kanyang negosyong coffee shop chain kamakailan.

Sa kasalukuyan, gumaganap si Mendoza bilang Sinag sa teleseryeng Destined to be Yours kasama ang kanyang ka-loveteam na si Alden Richards.

Panoorin ang isa sa mga episode ng Destined to be Yours:

 

Loading...