Maine Mendoza, nakiisa sa paghingi ng hustiya para sa napatay na tagahangang si Raz Alfaro

Image capture of video by Adobo Today

Nagpahayag ng suporta at nakiisa ang Dabarkads na si Maine Mendoza sa panawagan na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng isa sa mga masugid niyang tagahanga na si Raz Alfaro.

Sa pamamagitan ng social media platform na Twitter, ay ipinaabot ni Maine ang kanyang pasasalamat sa suporta at pagmamahal na ibinigay ni Alfaro sa kanya. Ginamit ng phenomenal actress ang hashtag na #JusticeForRaz.

“Maraming salamat sa oras, suporta at pagmamahal na ibinigay mo sa akin, Ate Raz. Mamimiss kita,” mensahe ng “Destined to be Yours” star kay Alfaro, na administrator ng social media account ng “The MaineGirls fans club.”

Si Alfaro ay sinaksak ng 17 beses kamakailan  lang ng suspek na kinilalang si “Shannon James Bon Buckley” sa loob ng Tanza Oasis Hotel and Resort sa Cavite.

Maine tweet