Manibela ng police car biglang kinabig ng sibilyang nakasakay kaya sumalpok sila sa SUV, 5 pulis sugatan

Image from 1001 Free Downloads Image from 1001 Free Downloads

Sugatan ang limang pulis at tatlong sibilyan nang sumalpok ang sinasakyan nilang police car sa isang sports utility vehicle (SUV) sa Pagbilao, Quezon.

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, ang mga pulis na sugatan ay kinilalang sina Police Officer 2 (PO2) Khemar Barquiles; Police Senior Inspector Reynaldo Dalumpienes, hepe ng San Andres-Philippine National Police; PO1 Rodel Minchero; PO1 Fernando Postelos, Jr.; PO1 Bien Care. Ang mga sibilyan naman ay sina Jose Yuson, Yessa Banquiles at Florida Jumao.

Patungo umano ang police car sa bayan ng San Andres nang biglang kabigin ni Yuson ang manibela ng sasakyan kaya sumalpok iyon sa kasalubong na SUV. Si Yuson ay sinasabing saksi sa naganap na engkwentro sa pagitan ng New People’s Army at militar noong nakaraang linggo kung saan 4 na rebelde ang napatay.

Tila balisa at wala sa raw sarili si Yuson nang biglang nagwala ito sa loob ng police car at kinabig nga ang manibela.

Agad silang isinugod sa pinakamalapit na ospital. Wala namang detalye kung ano ang nangyari sa nakabanggaang SUV.

 

Source :

Bombo Radyo

Loading...