Medical marijuana bill, inaasahang papasa sa House of Representatives

Image from Natural remediesImage from Natural remedies

Malakas ang paniniwala ni Isabela 1st District Representative Rodolfo Albano III na papasa sa Kamara de Representantes ang isinusulong niyang panukalang batas na gawing legal sa bansa ang paggamit ng marijuana bilang alternatibong gamot sa mga malalang karamdaman.

Ayon sa Hataw Tabloid, ang panukalang batas ni Albano ay ang House Bill 180 o ang Compassionate Use of Medical Cannabis Bill. Ani Albano, malaking tulong sa mga pasyenteng nangangailangan nito kapag naisabatas ang kanyang panukala.

Noong nakaraang linggo ay dumaan na ang panukalang batas sa isang deliberasyon at ayon kay House Committee on Health chairman na si Quezon Representative Angelina Tan, bumuo na sila ng technical group upang repasuhin at pagadahin pa ang bill upang mas lalong maunawaan ito ng mga karaniwang mamamayan.

Noon pang 16th Congress inihain ni Rep. Albano ang bill pero bigo iyong lumusot kaya naman ikinatuwa ng Philippine Cannabis Compassion Society ang pagiging bukas umano ng 17th Congress para sa naturang bill dahil malaking tulong umano sa mga pasyenteng nangangailangan nito kung maisasabatas ang panukala.

May nakalatag namang panuntunan sa nasabing panukalang batas upang hindi abusuhin ng mga pasyente ang paggamit ng marijuana, kabilang ang pagpaparehistro ng mga pasyenteng gagamit nito at ang paglimita sa dosage.

 

Loading...