Mga magsasaka sa Negros, pinoproblema ang high fructose corn syrup

Imahe mula sa YouTube video ng ABS-CBNImahe mula sa YouTube video ng ABS-CBN

Isang matinding dagok sa mga magsasaka ng tubo sa Negros Island, na kilala bilang Sugar Bowl of the Philippines, ang biglaang pagbaba ng demand sa raw sugar.

Ayon sa Brigada News, nabawasan na ang mga gumagamit ng raw sugar sa ilang mga beverage company dahil mas pinipili na lang ng mga ito na gumamit ng “high fructose corn syrup”; isang uri ng imported sweetener na mayroong mas mababang presyo kumpara sa asukal.

Ayon kay Atty. Emilio Yulo III, spokesperson ng Sugar Alliance of the Philippines, pinaplano na ng Sugar Regulatory Administration na higpitan ang pagpasok ng mga “high fructose corn syrup” buhat sa ibang bansa at pinababawasan na rin sa beverage industry ang paggamit nito.

Nabatid na ngayong 2017 ay nabawasan ng halos limang milyong sako ng asukal ang binibili ng mga beverage company sa mga magsasaka ng tubo dahil sa naturang syrup; dahilan para bumaba rin ang income ng mga nasabing magsasaka.

Panoorin ang ulat tungkol sa epekto ng high fructose corn syrup sa mga magsasaka ng tubo:

Loading...