Misis at kalaguyo, nahuli ni mister sa loob mismo ng kanilang silid

Image from Eternity Race Image from Eternity Race

May mas sasakit pa ba sa ganitong pangyayari?

Nahuli sa akto ng isang mister na nakikipagtalik ang kanyang misis sa kalaguyo nito sa loob mismo ng kanilang silid.

Sa ulat ng Bombo Radyo, sinabi umano ni Punong Barangay Pilar Basulgan sa Lemery, Iloilo City kung saan naganap ang pangyayari na pagod umanong umuwi ang mister na kinilalang si Diego, 25-anyos, mula sa pagsasaka kaya agad umanong nakatulog ito sa labas ng kanilang silid.

Nagising umano si Diego dahil sa mga ungol na narinig niya na nagmumula sa loob ng silid nilang mag-asawa. Nang sumilip siya ay nakita niyang katalik ng misis niyang si Lucy, 23-anyos, ang 33-anyos nilang kapitbahay na si Raul.

Hindi inabutan ni Diego ang mabilis na tumakas na si Raul kaya ang pinagbalingan nito ay ang kanyang asawa. Ayon kay Basulgan, sinuntok ni Diego ang asawa. Matapos noon ay tumakas na rin ang babae dahil sa nangyaring eskandalo.

Source :

Bombo Radyo

Loading...
  • Melanio Calayeg

    This news is incomplete….make it a better news next time….