Mocha Uson, Pinanindigan ang Sinabi na Bobo si Robredo

Larawan mula sa WNS Radio Online via Facebook pageLarawan mula sa WNS Radio Online via Facebook page

Pinanindigan ni Mocha Uson na wala siyang babawiin sa kanyang sinabi na bobo talaga si Pangalawang Pangulo Leni Robredo sa kabila ng suspensiyon ng kanyang programa.

Ayon sa ulat ng Bandera Inquirer, taas noo pa rin si Uson sa kanyang mga naging pahayag hinggil kay Robredo.

Sa inisyal na ulat ng Balitang DF, pinatawan ng indefinite suspension ang programa ni Uson sa DZRH matapos nitong murahin at magbitaw ng mabibigat na salita laban kay Robredo.

Halos magkasunod ang pagkasuspinde sa Twitter account ni Uson at ang programa nito sa DZRH.

Nitong Marso 18, matinding pambabatikos ang ginawa ni Uson kay Robredo na bukod sa sinabihan itong bobo ay tinawag din nitong sinungaling, ‘peke’ at tanga si Robredo.

Ayon sa ulat ng Abante, ayaw bumaba ng kampo nina Robredo sa ‘level’ ni Uson.

Sa ambush interview naman kay Georgina Hernandez, nanawagan ito na magkaroon ng kaunting respeto.

Ani Hernandez: “Nananawagan tayo na magkaroon tayo ng kaunting respeto, hindi lang dahil Pangalawang Pangulo ‘yung kinakausap natin, kundi kapwa tao natin ‘yung ating pinatutungkulan.” 

Maraming netizens ang nagalit sa pambabastos ni Uson kay Robredo