MRT-3, naantala ang operasyon dahil sa pasaherong tumalon sa riles

Image from PrimerImage from Primer

Naantala ng mahigit isang oras ang operasyon ng Manila Rail Transit-3 (MRT-3) dahil biglang tumalon sa riles ang hindi kinilalang lalaki habang paparating ang isang tren sa istasyon noong Lunes, ika-13 ng Marso.

Mabuti na lamang raw at agad na nakahinto ang dumarating na tren kaya hindi nasagasaan ang lalaki. Napilitan namang bumaba sa tren ang mga pasahero dahil pansamantalang itinigil ang operasyon bunsod ng pangyayari.

Ang lalaki, na tinatayang nasa pagitan ng 21 at 25 ang edad, ay isinugod sa Ospital ng Makati upang malapatan ng lunas ang tinamong minor injuries.

Ayon sa Journal Online, nangyari ang insidente dakong 1:50 ng hapon sa northbound lane ng Guadalupe Station.

Bumalik sa normal ang operasyon ng MRT-3 dakong 2:53 ng hapon. Ayon sa pamunuan ng MRT, rerebyuhin nila ang kuha ng CCTV upang malaman ang buong pangyayari.

 

Source :

Journal, ABS-CBN