Nagmamadali maging Presidente? Duterte kay Robredo: “Pakasalan mo ako, dalawa tayo”

Public Domain

May bagong tirada si Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Vice President Leni Robredo, matapos akusahan ng Pangulo si VP Leni na nagmamadaling makuha ang pinakamataas na puwesto sa bansa.

Walang binanggit na pangalan ang Pangulo sa pagharap nito sa Filipino community sa Royal Thai Navy Headquarters sa Thailand. Ngunit  halatang may pinatutungkulan ito sa pagpapakilala sa kaniyang runningmate sa vice president, si Senador Alan Peter Cayetano; ayon sa ulat ng GMA.

Eh si… iyong babae ang pinili ninyo. Apurado, gusto ako paalisin. Hindi pa nga ako dumating ng isang taon dito, paalisin mo na ako. Sige, dalaga man siya. Sige, pakasalan mo ako,” ani Duterte, kasabay ang tawanan ng mga tagapakinig.

“So dalawa na tayo dito. At least hindi ako mawawalaan ng ano — bulong nang bulong na lang ako sa iyo,” dagdag pa nito.

Si Cayetano ay natalo kay Robredo noong nakaraang eleksiyon.

Inakusahan ng kampo ni Duterte ng destabilization si Robredo laban sa administrasyon, sa pagbibigay diin sa naging pahayag nito sa video laban sa war on drugs. Iniugnay din ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Robredo sa impeachment laban kay Pangulong Duterte at binantaan si VP Leni na ipai-impeach.

Ayon kay Duterte, wala pa naman nagagawa sa bansa si VP Robredo.

Nagmamadali. Maghintay ka. Wala ka pang ginawa sa bayan eh,” dagdag pa nito.

Source :

GMA, Rappler, ABS CBN