Nang Dahil sa Argumento? Mister na Lango sa Alak, Pinagsasaksak ang kanyang Misis

Public DomainPublic Domain

Nasawi ang isang 37-anyos na babae matapos pagsasaksakin ng kaniyang  asawang lango sa alak sa  Barangay Agcuyawan Calsada, Barotac Viejo sa Iloilo City.

Si Ligaya Valdez ay nagalit umano sa kaniyang asawa na si Carlos, 40, na umuwing lasing, ayon kay  Chief Insp. Raymund Celoso na Barotac Nuevo police chief.

Sumabog sa galit ang mag-asawa mula sa argumento. Si Ligaya, na  diumano’y isang battered wife ay umabot sa puntong nasaktan  ang kaniyang mister, ayon paunang imbestigasyon.

This pushed the husband to stab his wife repeatedly,” ani Celoso.

[Ito ang nagtulak sa mister na saksakin ang misis nang paulit-ulit.]

Ayon sa ulat ng Inquirer, ang biktima ay nagtamo ng anim na sugat mula sa pananaksak; tatlo sa likuran, dalawa sa leeg at isa sa dibdib.

Si Valdez ay idineklarang dead on arrival nang isugod sa Barotac Nuevo District Hospital.

Tumakas si Carlos ngunit hindi nagtagal ito ay sumuko sa tanggapan ng pulisya malapit sa bayan ng Dumangas kung saan siya ipiniit at mahaharap sa kaukulang kaso.

Source :

Inquirer, ABS CBN