NCRPO: 4 sa 5 Filipino sa Metro Manila ang nagsabing “Feeling Safe” sila dahil sa drug war

Public domainPublic domain

Lumalabas sa survey na apat sa bawat limang Filipino na naninirahan sa Metro Manila ang may ligtas na pakiramdam dahil sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga; ito ay ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) gamit ang datos  ng Pulse Asia.

Ang survey ay isinagawa sa pagitan ng Disyembre 6 at 11, at itinanong sa publiko ang pahayag na: “Compared to last year, I feel that it is less dangerous now in our place because of the campaign against illegal drugs.”

Ayon sa ulat ng ABS CBN, ang mga respondents ay pinili sa paraang random na nakakuha ng 82% approval rating; ayon sa NCRPO.

This result will serve as our driving force to continue our mission on eradicating illegal drugs and other illegal activities in the Metro,” ani  NCRPO chief Superintendent Oscar Albayalde.

Hinimok naman ni Albayalde ang publiko na ipagpatuloy ang kooperasyon at pagsuporta sa kapulisan.

Inilunsad ng Philippine National Police ang “Oplan Tokhang” sa unang bahagi ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makatutulong umano upang mapababa ang crime rate sa bansa.

Ngunit ang naturang kampanya ay pansamantalang sinuspinde isang buwan matapos ang diumano’y pang-aabuso sa kapangyarihan ng ilang kapulisan at extrajudicial killings.

Nitong unang bahagi ng Marso ay muling isinagawa ang  “Oplan Tokhang” ngunit may pangakong mas tolerant ang pamamaraan ng pagpapatupad.

Ayon sa Human rights groups, mahigit sa 7,000 katao ang napaslang sa naturang drug war subalit ayon sa gobyerno 2,500 lamang maaaring maiugnay dito.

Loading...