Oplan Rody sa Parañaque; Higit 100 ang Nahuli

Larawan mula sa http://players.brightcove.net via ABS-CBN News account

“Nag-inuman, nahuli, nag-push-up!”

(Parañaque City, Philippines) Nahuli ang higit 100 residente matapos nilang lumabag sa city ordinance na nagbabawal sa pag-inom sa kalye, walang damit pang-itaas, mga menor de edad na lumabag sa curfew at iba pa.

Ilan sa mga residente na nag-iinuman sa kalye at walang damit na pang-itaas ay pinag-push-up; ang iba ay binigyan ng warning dahil sa first offense ang mga ito, at hindi naman hinayaang umuwi ang mga menor de edad hanggang walang sumusundo na mga magulang, ayon sa ulat ng TV Patrol.

Nakulong naman ang tatlong lalake at isang babae sa bisa ng arrest warrant dahil sa magkakaibang kaso.

Ani Sr. Supt. Jemar Modequillo, hepe ng PNP Parañaque: “Isa ito sa mga hakbang natin upang magkaroon ng awareness na dito sa Parañaque talagang mahigpit na nating pinatutupad itong Oplan Rody.”

Pinauwi rin ang mga nahuli matapos silang masermunan at dahil sa first offense pa lamang ito kaya hindi pa sila ikinulong.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito:

Source :

ABS-CBN, Facebook