Order ng DOLE na itigil ang “endo”, katuparan ng pangako ni Pangulong Duterte

Image from DOLE Image from DOLE

Nakapaloob sa Department Order 174 (D.O. 174) ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapatigil sa “endo” o end of contract scheme sa labor market.

Ang endo ay ang paulit-ulit na pagkuha ng mga obrero mula sa mga manpower agencies sa ilalim ng maiksing kontrata upang makaiwas sa regularisasyon ng mga manggagawa.

Ayon sa Bombo Radyo, ang order ng DOLE ay ikinatuwa ng Malacañang dahil isa umano iyong major step upang mapangalagaan at mabigyang-proteksiyon ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino.

Binati at pinapurihan ng Palasyo ang lahat ng mga partidong nagsikap na maging reyalidad ang campaign promise ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang endo scheme.

Mababalewala ang order ng DOLE kung hindi iyon maipatutupad nang maayos, kaya ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella ay titiyakin ng pamahalaan na maayos na maipatutupad ng labor officials ang D.O. 174. Umaasa rin ang pamahalaan sa kooperasyon ng mga employers.