P100,000 pabuya, inilabas para sa ikadarakip ng pumatay kay Dr. Dreyfuss Perlas

Image from Justice For Dr Dreyfuss Perlas Facebook pageImage from Justice For Dr Dreyfuss Perlas Facebook page

MAYNILA, Pilipinas – Inilabas na ang P100,000 pabuya para sa ikahuhuli ng mga nasa likod ng pagpatay kay Dr. Dreyfuss Perlas; ang ‘Doctor to the Barrio’ volunteer na binaril ng mga armadong lalaki noong ika-1 ng Marso habang sakay ng kaniyang motorsiklo mula sa isang medical mission.

Ang naturang pabuya ay nagmula sa provincial government ng Lanao Del Norte kung saan napatay ang biktima sa may  Barangay Maranding, Lala kung saan ito pansamantalang naninirahan.

Samantala, inamin naman ni P/Supt. Wilbur Salabuste, hepe ng Special Investigation Group Doc Drey, na ang unang napaulat na napatay na umano’y suspek na nakilalang si Agapito Tamparong alyas ‘Darwin’ ay hindi pa napatutunayan ang pagkakasangkot sa krimen.

“Yung napatay na certain Darwin Tamparong,  hindi natin sini-set aside iyong possibility of his involvement pero hindi pa natin ma-zero in na siya ‘yun,” paliwanag ni Salabuste sa isang panayam ng ABS-CBN News.

Samantala inamin naman ng Revolutionary People’s Army (RPA) na kasapi nila si Tamparong sa kilusan, subalit itinanggi ng grupo na isa itong gun-for-hire. Wala ring komento ang grupo sa pagkakapatay kay Perlas.

Sinabi naman ni Salabuste na mayroon na silang tinitingnan na mga dalawa o tatlong motibo sa likod ng pagpaslang kay Dr. Perlas subalit tumanggi itong isiwalat ang detalye habang iniimbestigahan pa ang kaso,