P250,000 halaga ng shabu, nasamsam ng mga pulis malapit sa mga sementeryo

MGA IMAHE MULA SA 97.5 BRIGADA NEWS FM-KIDAPAWAN AT SMOKEY TOURS FB PAGESMGA IMAHE MULA SA 97.5 BRIGADA NEWS FM-KIDAPAWAN AT SMOKEY TOURS FB PAGES

Tinatayang nasa P250,000 na halaga ng shabu ang nakuha ng mga pulis sa isang raid sa La Loma Cemetery at Manila North Cemetery kamakailan lamang.

Ayon sa ulat ng ni Jel Santos ng Manila Bulletin, 35 na tao ang nahuli ng mga pulis sa kanilang raid sa mga barong-barong malapit sa mga sementeryo. Dalawa sa mga ito umano ay mga “high-value target” ng mga pulis.

Kinilala ni Sr. Supt Roberto Fajardo, Northern Police District (NPD) director, ang dalawang “high-value targets” bilang sina  Santiago “Santi” Adriano, at Alvin “Bunso” Reyes. Si Adriano ang pinuno ng notoryus na Adriano Drug  Group.

“We confiscated 62 sachets of shabu with a street value of about P250,000. Other drug paraphernalia were also seized. No one was hurt in our operation,” saad ni Fajardo, ayon sa isang artikulo ng Manila Bulletin.

[Aming nakumpiska mula sa 35 suspek ang 62 na pakete na naglalaman ng shabu. Ito ay nagkakahalaga ng  P250, 000 sa kasalukuyang bentahan. Nakakuha rin kami ng drug parhernalia. Walang nasaktan sa aming operasyon.]

“The suspects are also included in the NPD drug watchlist for their involvement in the illegal drugs trade in Caloocan,” dagdag  pa ng hepe ng NPD.

[Ang mga suspek ay nasa drug watchlist ng Caloocan, dahil sila umano ay nagbebenta ng bawal na gamot.]

Hinggil sa mga imbestigador, mga alas-dos ng tanghali nang lusubin ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), NPD, at  Manila Police District (MPD) ang mga barong-barong sa kahabaan ng Tagaytay St., Barangay 131, Caloocan. May dalang tatlong search warrant ang mga pulis.

Tinangka pa umanong tumakas ng mga suspek. Ang iba umano ay kumaripas ng takbo at nagtago pa sa mga puntod upang makatakas lamang, ngunit nahuli pa rin sila ng mga pulis na nakapalibot sa dalawang sementeryo.

Ang PDEA ay nakipagtulungan sa NPD at MPD dahil nasa gitna ng Caloocan at Maynila ang kanilang operasyon.