Pagiging confidently beautiful ni Pia, kinuwestiyon dahil sa post niya para sa mga umaaligid sa nobyo

Imahe mula sa FacebookImahe mula sa Facebook

Hindi ikinatuwa ng social media users ang post ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa mga kababaihang umaaligid sa kanyang kasintahan na si Marlon Stockinger — at maging ang pagiging “confidently beautiful” niya ay kinuwestiyon din ng ilan sa mga ito.

Ayon sa Balita.net, nagsimula ang lahat noong nagpost si Stockinger sa Instagram account niya ng kopya ng Metro Society kung saan cover sila nina Matteo Guidicelli at Ivan Carapiet. Dito ay nag-post si Wurtzbach para sa mga babae umano na nagpapadala ng mensahe sa kanyang minamahal.

“That’s mine on the left. You girls better know. So stop messaging my boyfriend. I know who you girls are. And I feel so sorry for girls who let this one go. But oh well he’s mine now,” aniya.

[Akin iyang nasa kaliwa. Kayong mga babae, dapat malaman ninyo iyon. Tigilan na ninyo ang pagpapadala ng mensahe sa kasintahan ko. Kilala ko kung sinu-sino kayo. Naaawa ako sa mga babae na pinakawalan siya. Pero sa akin na siya ngayon.]

Na-bash si Wurtzbach dahil dito at may nag-comment na hindi queenly ang ginawa niyang paninita sa mga babaeng nagkaka-crush sa boyfriend niya.

At bagama’t nabura na niya ito ay patuloy pa rin ang mga komento sa ibang sites.

“I don’t know. I find this really pathetic for someone who claims to be ‘confidently beautiful.’ Stop acting like a paranoid B**** . A woman with true confidence and beauty should never lower herself to any flirtatious girl, or even be afraid of a man leaving her for some random girl because she knows her worth,” kumento ni Facebook user KG.

[Hindi ko alam. Naaawa ako sa isang tao na nagsasabing siya ay “confidently beautiful.” ‘Wag kang umarte na parang praning. Ang isang babae na totoong may tiwala sa kanyang kagandahan ay hindi ibababa ang sarili para sa mga maharot na babae, at hindi rin matatakot na iwanan siya ng kanyang kasintahan para sa kung sinong babae dahil alam niya ang kanyang kahalagahan.]

“Hahaha. This is the most insecure message I have ever read coming from someone in her status as a beauty titlist and a celebrity at that. I’m sure a lot of guys are messaging you too. ‘Di mo maiiwasan ‘yan. You are both celebrities!” wika naman ni TA.

[Hahaha. Ito na ang pinaka-insecure na mensaheng nabasa ko mula sa isang babae na may titulo bilang beauty queen. Alam ko na marami rin lalaki na nagpapadala ng mensahe sa iyo. ‘Di maiiwasan ‘yan. Pareho kayong kilalang personalidad.]

Gayunman, may mga humanga pa rin sa katapangan ni Wurtzbach.

Loading...
  • Wellness Coach Dette

    indicative of a major insecurity issue coming from someone who claims to be “confidently beautiful” if a man wants to leave, he will decisively leave, there’s no stopping him