Pangulong Duterte: “Hindi na kailangan ng DDS; I have the PNP”

File PhotoFile Photo

Para kay Pangulong Rodrigo Duterte hindi na kailangang lumikha ng armadong Davao Death Squad (DDS) na tutugis sa mga kriminal.

Inihayag ito ni Pangulong Duterte isang araw matapos ulitin ng diumano miyembro ng DDS at retired police officer Arthur Lascañas ang pag-uugnay nito sa Pangulo sa naturang notorious death squad, sa isinagawang Senate inquiry.

I need not do that. Hindi na kailangan. I did not create an air force, I have an Air Force. I will not create a DDS, may police department ako,” ani Duterte.

Nauna nang inihayag ni Lascañas na si Duterte ang lumikha ng DDS ng mahigit  dalawang dekada noong siya’y  Mayor pa ng lungsod; ayon sa ulat ng GMA.

Tinanong si Duterte kung sino ang bumuo ng DDS, at aniya si Davao-based journalist Jun Ledesma lamang ang makasasagot nito.

You should ask Jun Ledesma. He’s a journalist in Davao. He would give you the history of ‘yung… well…  Ayaw ko ‘yung to sound apologetic. You just ask him. He’s a kolumnista sa Sun Star Davao,” saad ni Duterte.

Tinanong din ang Pangulo kung tinulungan nito si Lascañas sa kaniyang kidney treatment. Ayon sa Pangulo, ang Davao City ay may  “Lingap sa Mahirap” program.

I don’t know, I don’t know. But we have a ‘Lingap sa Mahirap’ sa Davao,” ani Duterte.

Tinanong din si Duterte kung credible ba si Lascañas sa pagsasabi ng katotohanan;  tugon niya: “I don’t know. Nandoon man kayo.”

Winakasan na rin ng Senado ang pagdinig na ito tungkol kay Lascañas.

Source :

GMA, Rappler, Inquirer

Loading...