Pangulong Duterte, Isiniwalat ang Tangkang Pagbibitiw ni Sara Duterte Bilang Mayor ng Davao City

Public Domain

Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tangkang pagbibitiw ng kaniyang anak na si Sara Duterte bilang Alkalde ng Davao City.

Inihayag ito ng Pangulo sa mga Filipino community sa Nay Pyi Daw sa Myanmar; aniya si Sara ay nagsumite ng kaniyang resignation letter noong Hulyo 1 o isang araw matapos manumpa bilang Mayor ng Davao; ayon sa ulat ng ABS CBN.

Ayaw na kasi magtakbo ‘yan eh. Ayaw na talaga niya. Sabi niya, nababastos lang ako sa pagka-mayor ko, wala naman ako nakukuha,” ani Pangulong Duterte.

Na-pressure siya. Marami nang pumasok. Na-pressure siya kaya tumakbo,” dagdag pa nito.

Dito na isiniwalat ni Pangulong Duterte ang pagsumite ng resignation letter ng kaniyang anak.

June 30 kami nag-oath, lahat ng public officials. Alam mo pagka-July 1, nag-file ng resignation,” ani Pangulong Duterte.

Sabi niya, maghanap ka na ng mayor mo,” dagdag pa nito.

Saad ni Pangulong Duterte na ayaw niyang basta na lamang iwan ang Davao City dahil ayaw niyang masayang ang kaniyang pinaghirapan.

Talagang hindi ako papayag na maiwan ko ang Davao. Sayang ang ipinagod ko,” ayon sa Pangulo.

Ang nakatatandang Duterte ay nagsilbi bilang Mayor nang mahigit dalawang dekada, habang si Sara ay unang nagsilbi bilang Mayor mula 2010 hanggang 2013.

Panoorin ang video na ito mula sa ABS CBN:

Source :

ABS CBN