Pangulong Duterte Nagbigay ng $300,000 sa Myanmar Bilang Donasyon sa Rakhine State

Imahe mula sa Facebook account ni Manny PinolImahe mula sa Facebook account ni Manny Pinol

Nagbigay umano ng $300,000 o nasa Php15 milyong donasyon ang Pilipinas sa komunidad ng Rakhine State sa Myanmar; ito ay ayon  Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes.

Ayon sa ulat ng GMA, ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang symbolic check kay State Counselor at Nobel Peace Prize awardee Aung San Suu Kyi matapos ang kanilang pulong sa Presidential Palace sa Nay Pit Kaw.

Sinabi ni Suu Kyi sa kaniyang letter of appreciation ang kaniyang pasasalamat  at sumasalamin ito sa “ASEAN solidarity and family spirit.”

Dagdag pa niya na ang humanitarian assistance ay nagpapakita ng “traditional bonds of friendship and cooperation” sa pagitan ng Pilipinas at Myanmar.

Ayon sa ulat ng Reuters, may 75,000 katao ang tumakas mula sa Rakhine State patungo sa Bangladesh nang magsimula ang operasyon ng militar ng Myanmar noong Oktubre 2016 bilang tugon sa diumano’y pag-atake ng Rohingya Muslim minority insurgents sa border post kung saan may siyam na pulis ang napaslang.

Nitong Pebrero, inakusahan ng United Nation (UN) ang  militar  ng Myanmar ng mass killings at panggagahasa ng mga Rohingya Muslims at pagsunog sa mga villages sa naturang rehiyon.

Idineklara nang tapos ang military operations sa Rakhine state ng Myanmar nitong Pebrero rin.

Loading...