Pangulong Duterte: “Sina Trillanes, De Lima at Robredo ang Nagnanais na Maalis ako sa Puwesto”

File PhotoFile Photo

Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga personalidad na nais siyang mapatalsik sa puwesto kaugnay sa kaniyang pagbibigay ng mensahe sa 16th National Convention ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), nitong Huwebes sa Pasay City.

Ayon kay Duterte, sina  Senador  Antonio Trillanes at Senador Leila de Lima ang mga nangungunang personalidad  na nais siyang masipa sa puwesto. Gayundin si Vice President Leni Robredo dahil siya ang makikinabang kung maalis sa puwesto ang Pangulo.

Ngunit iginiit ni Duterte na hindi ito sang-ayon sa planong  paghahain ng impeachment complaint laban kay Robredo: ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

Dito na inilahad ng Pangulo kung bakit sina Trillanes, De Lima at Robredo ang nasa likod ng pagpapatalsik laban sa kaniya.

Look, mag-prangka tayo, they want me ousted? Who’s behind it? Itong si Trillanes. Sundalo, mas mabuti pang security guard dito and his help,”  ayon kay Duterte.

Ikalawa raw na nais masipa ang Pangulo sa puwesto ai si De Lima, aniya: “Wala naman akong ginawang exhibition. T**** i**.”

Ikatlo si Robredo, ani Duterte: “Eh natural kasi bakit pa siya maghintay kung nandiyan ‘yung opportunity. Barilin na lang iyan si ano. Well, so look at the people behind.”

Sa presscon na ginanap kagabi matapos ang state visit ni Duterte sa Myanmar at Thailand, tinanong siya kung ano ang masasabi sa naturang plano.

Sabi ko, ‘Look, guys, ladies and gentlemen, we just had — have had the elections. It’s too early to be ousting people,” saad ni Duterte.

Let Leni… Alam mo hayaan mo siya. She has also to take a stand, I understand that. It’s always the kontrapelo ‘yan. And that is natural sa politics,” dagdag pa ni Duterte.

Loading...