Pangulong Duterte: “Tatapusin Ko ang Laban sa Korapsiyon”

File Photo

Tuluy-tuloy ang laban ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra korapsyon at nangako siyang ito’y kaniyang tatapusin.

Ang pahayag na ito ni Duterte ay kasunod ng panunumpa ng mga bagong talagang opisyal ng Cebu Chamber of Commerce and Industry (CCCI) sa Waterfront Hotel Mactan, Cebu City, kamakailan.

 “I am committed really to just give a respite to the Filipinos for the many years of suffering under corrupt almost in succession of governments,” ayon kay Duterte.

[Ako ay nakatuon sa pagbibigay ng ginhawa sa mga Filipino na dumanas ng maraming taon ng korapsiyon sa mga nakaraang administrasyon.]

I am not saying that I would be able to erase all but I kept those promises to the barest minimum,” dagdag nito.

[Hindi ko sinasabing mabubura ko lahat ngunit sisikapin ko na burahin ito.]

Ang korapsiyon umano ang humihila pababa sa bansa kabilang ang suliranin sa iligal na droga at kriminalidad na kaniya rin umanong wawakasan, giit ni Duterte.

Dagdag pa niya, hindi siya mangingiming sibakin sa puwesto ang mga tiwaling  miyembro ng kaniyang gabinete at hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng korapsiyon sa ilalim ng kaniyang pamahalaan.

Pinaalalahanan din ni Duterte ang lahat ng ahensiya ng gobyerno kaugnay sa kaniyang direktiba hinggil sa pagpoproseso ng mga permit ay dapat sa loob lamang ng isang buwan; ayon sa ulat ng Abante Tonite.

Ang mga tamad na opisyal at kawani ng gobyerno ay walang puwang sa kaniyang administrasyon kaya dapat na ipagbigay-alam agad ng taumbayan ang mga ito; giit pa ng Pangulo.

Sa mga nais magreklamo sa mga kawani at opisyal ng pamahalaan na sangkot sa korapsiyon ay itawag lamang sa 8888 Citizens’ Hotline and Complaint Center.