Pangulong Duterte tinupad ang pangakong tutulong sa paghahanap ng nawawalang OFW sa Saudi

Images from PCG Jeddah/ DFN FilesImages from PCG Jeddah/ DFN Files

MAYNILA, Pilipinas – Tinupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangako nito sa isang sundalo na tutulong sa paghahanap sa nawawalang kapatid na overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia.

Agosto noong nakaraang taon nang dumalaw si Duterte sa mga sugatang sundalo sa V. Luna Hospital at dito niya nakilala si Sgt. Michael Joe Fabian.

Ayon kay Moh’d Noordin Pendosina Lomondot, special assistant of the Office of Migrant Workers’ Affairs, umapela si Fabian ng tulong sa Pangulo upang hanapin ang kaniyang nawawalang kapatid sa Saudi na si Diosalyn Seva.

Nangako naman ang Pangulo na tutulong ito, ayon kay Lomondot sa panayam ng ABS-CBN News.

Si Seva, tubong Nueva Vizcaya, ay nag-abroad noong 2015 ngunit hindi pinalad matapos makaranas ng pagmamaltrato sa kaniyang naging amo. Tumakas ito at nakapagpadala pa ng pera sa kaniyang pamilya noong Pebrero 2016. Huli siyang nakausap ng kaniyang magulang at asawa na si Alvison Seva noong Marso 2016.

Pagkatapos noon ay hindi na ito makontak at hindi na rin nagparamdam pa.

Nitong Martes, ipinadala na ni Pangulong Duterte ang dating consul general ng Jeddah para hanapin ang nawawalang OFW.

Sa isang advisory sa website ng Philippine Consulate General ng Jeddah, ibinahagi nito ang larawan ni Seva at humihingi ng tulong sa sinumang nakakita sa kaniya na ipagbigay-alam agad sa kanilang opisina.

“Filipino nationals in the Western Region of the Kingdom of Saudi Arabia are requested to provide information regarding the whereabouts and contact details of Ms. Diosalyn Fabian Seva,” anang panawagan. “The Philippine Consulate General in Jeddah would greatly appreciate receiving any information on the whereabouts and contact details of Ms. Seva.”

Ang sinuman umanong may nalalaman ay maaaring makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng:

Loading...