[Panoorin] 100% Perfect Score, Nakuha ni Froilan Canlas sa Tawag ng Tanghalan ‘Ultimate Resbak’

Larawan mula sa ABS-CBN News via Facebook pageLarawan mula sa ABS-CBN News via Facebook page

“Pangkaraniwan na sa ating mga Pilipino ang pagiging music lovers. Kadalasan, tiyempo sa ating emosyon kung anong uri ng awit ang gusto nating awitin o pakinggan.”

Muling nagpamalas ng angking galing si Froilan Canlas sa “Tawag ng Tanghalan Ultimate Resbak” sa “It’s Showtime”, matapos niyang makuha ang 100% combined perfect score mula sa mga hurado at text votes ng mga tao.

Inawit ni Canlas ang rendition ng romantic ballad na “If” na nagbigay sa kanya ng ikalawang pagkakataon upang magpatuloy sa grand finals, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

Si Canlas ay napabilang sa ‘Ultimate Resbak’ matapos na hindi palaring makapasok sa grand finals noong Sabado, sa kabila ng perfect score na ibinigay ng mga hurado.

Nakadepende ang pagkapanalo ng isang kalahok mula sa mga hurado at text votes. Tig-50% ang puwedeng ibigay ng mga ito.

Ani Canlas, siya ay lumahok sa patimpalak upang matulungan ang kanyang single mother at upang makakuha ng sapat na pondo para masuportahan ang kanilang volunteer group na nagtuturo ng volleyball sa mga bata.

Kailangan na lamang malagpasan ni Canlas, isang music teacher, ang isa pang round sa Biyernes upang tuluyang makapasok sa grand finals ng “Tawag ng Tanghalan” tulad nina Jex de Castro at Dominador Aviola Jr.

Panoorin ang makatindig balahibo na pag-awit at pagkapanalo ni Froilan sa Tawag ng Tanghalan Ultimate Resbak:

Ang kanyang winning song: