[Panoorin] Arabo, Nakisaya; Naglaro ng ‘Hep Hep Hooray’ kasama ang OFWs sa Abu Dhabi

Larawan mula sa GMA News via Facebook page Larawan mula sa GMA News via Facebook page

(Abu Dhabi, UAE) Isang Arabo ang nakisaya sa “Wowowin” sa pagsali nito sa ‘Hep Hep Hooray’ ng programa kasama ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Nakatapat sa one-on-one ni Abdiel, isang Arabo, si Lian, OFW mula sa Taytay, Rizal, ayon sa ulat ng GMA.

Katatapos lang umano ng kontrata ni Lian bilang isang sales graphic designer.

Masayang tinanong ni Willie Revillame, main host ng programa, kung masaya ba si Abdiel.

Nakangiting tumugon si Abdiel kay Willie. Aniya: “Very much, so happy.”

Nalito si Abdiel nang manalo si Lian. Aniya: “How come he win he didn’t say ‘hooray’ ‘isip-isip’.”

Dahil dito, si Abdiel ay solong pinaglaro ni Willie. Nagpasalamat din si Willie rito.

Nag-uwi naman si Lian ng $500 bilang premyo nito.

Masaya ring nakipaglaro ang ilang OFWs sa isang segment ng programa ang ‘Bigyan ng Jacket ‘Yan’.

Panoorin ang masaya at seryosong ‘Hep Hep Hooray’ ng mga kalahok:

Loading...