[Panoorin] Babae, Naghukay sa Center Island sa Mandaluyong; Bagong Silang na Sanggol, doon Inilibing

Image capture of video by GMA News via You Tube accountImage capture of video by GMA News via You Tube account

“Kung ang mga hayop nga ay inililibing nang maayos, tao pa kaya!”

Matapos umalis ng isang hindi nakilalang babae na nakitang naghuhukay sa Center Island sa Barangay Plainview, Mandaluyong City, natagpuan sa lugar ang isang patay na bagong silang na sanggol na nakalibing.

Ayon sa isang sidecar driver, nadaanan niya ang isang babae na tila may hinuhukay sa lugar. Aniya, pagkahatid niya sa kanyang pasahero, bumalik siya sa lugar ngunit wala na roon ang babae.

Inusisa raw ng driver ang hinukay ng babae at doon niya nakita ang isang sanggol na lalaki. Aniya, hindi pa lubos na nakalibing ang sanggol dahil nakaangat pa ang ulo nito at nakakabit pa ang umbilical cord ng sanggol, ayon sa ulat ng News TV Live.

Humingi ng tulong ang driver sa mga barangay tanod. Patuloy ding inaalam ng Women and Children Protection Desk ng Mandaluyong kung sino ang babae na nag-iwan at naglibing sa sanggol.

Dinala na rin sa punerarya ang labi ng bagong silang na sanggol.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito:

 

Source :

GMA, You Tube

Loading...