[Panoorin] Batang babaing magaling mag-drum, viral sa Facebook

Image capture form Mickey Betita Facebook postImage capture form Mickey Betita Facebook post

MAYNILA, Pilipinas – Kumakalat ngayon sa social media ang video ng isang batang babaing may angking talento sa pagtugtog ng drums  habang sumasaliw sa mga kantang ‘Totoy Bibo’ at ‘Mr. Suave’.

Sa video na ibinahagi ni Mickey Betita sa Facebook, makikita ang hindi pa nakikilalang bata na lubhang napakahusay sa paggamit ng nasabing instrument na hinahangaan ng mga manonood.

Kasama niyang ang isang lalaki na kumakanta na pinaniniwalaang ama nito.

Kaagad umani ng mga papuri ang bata at marami ang nagsabing sana ay madiskubre ito at mabigyan ng pagkakaton kahit na bata pa.

“May talent ang bata bakit hindi nila pag -aralin ng drummer nang mabuti. Sana may makatulong sa kanya para malayo ang marating ng batang ito at nang matulungan niya ang kanyang pamilya,” koment ng isang netizen.

“Sana makita ka ni Ellen Degeneres…galing mo bata..God bless you,” sabi naman ng isa.

Dagdag naman ng isa pang napahanga rin ng bata: “Galing wala pang proper training yan malupit na.”

Kuwento ng ilang netizen, nakita na nila ang mag-ama sa iba’t-ibang lugar at talagang mahusay ang bata sa pagtugtog, at marami ang umaasa na mabigyan ng break ito.

Umabot na sa mahigit 42,000 ang shares at mahigit 67,000 ang reactions ng video na napanood na ng mahigit 866,000 sa Facebook sa loob lamang ng isang araw.

Panoorin.

Source :

Facebook