[Panoorin] Dumi ng Hayop; Ginagawang ‘Biogas’ Upang maging Kuryente

Image capture of video by Wafijaya Enterprise via You Tube accountImage capture of video by Wafijaya Enterprise via You Tube account

“Kadalasan, ginagamit ang dumi ng hayop bilang organikong pataba sa mga pananim. At ngayon, ang mga dumi na ito ay maaari na ring gawin bilang kuryente. Ibang klase!”

(Douala, Cameroon) Upang maging kuryente, natutunan ng mga estudyante sa isang paaralan na gawing renewable source of energy o biogas ang dumi ng hayop .

Ang pag-aaral na ito ay pinangangasiwaan ng ‘Green Girls Project’, isang non-governmental organization, na nagsasanay sa mga batang babae tungkol sa teknolohiya.

Ani Monique Ntumngia, founder at CEO ng proyekto, ang ideya na ito ay mula sa pangangailangan na matulungan ang mga estudyanteng walang kuryente.

Saad ni Monique: “Noong ako ay nasa Kano, Nigeria at dating program officer ng gender human rights, nagbabahagi kami ng didactic materials upang ma-empower ang mga babae sa Kano; kung paano pumunta sa paaralan at ang kahalagahan ng edukasyon. Isa sa mga batang babae ang lumapit sa akin at sinabi na wala silang ilaw kung kaya’t paano nila magagamit ang mga libro at educational materials na ibinigay sa kanila. Nabaling ang atensyon ko na mayroon talagang pangagailangan sa ilaw at nagpasya ako na ituon ang pag-promote ng sustainable development sa Africa sa tulong ng renewable energy.”

Ang proyekto na ito ay tumutugon upang mapigilan ang polusyon at upang maibigay ang murang renewable energy solutions sa mga lugar sa bansa, ayon sa ulat ng Wafi Jaya.

Kapag dinurog ang mga pinagsama-samang dumi ng manok, sirang prutas at damo AY makagagawa ito ng biogas na maaaring magamit sa pagluluto o pagpapainit at pagpapatakbo ng small generators upang paganahin ang household electrical appliances.

Ang ‘Green Girls Project’ ay katuwang ng Bioenergy-Cameroon na nagkakabit ng equipment na nagko-convert ng dumi mula sa septic tanks at pit latrines na maging biogas.

Ayon sa ulat ng GMA, mula sa datos ng World Bank, 53 porsiyento lamang ng 23 milyong populasyon ng Cameroon ang mayroong kuryente.

Ayon kay Monique, marami ang naginhawaan sa pagkakaroon ng bagong source ng kuryente at marami sa mga babaeng estudyante ang nagsasanay upang makakuha ng panibagong ideya at bagong energy solutions.

Sa paggamit ng biogas, nakapagtatabi pa ng pera ang mga mag-anak sa lugar at nagagamit pa nila ito sa pagtustos ng school fees at medical care.

Sa kasalukuyan, ang proyekto na ito ay pinakikinabangan ng 3,000 na kabahayan sa rehiyon ng northern at southern Cameroon. Sila ang mga nakatanggap ng domestic biodigesters mula sa proyekto.

Ayon sa organizers, ang demand na ito ay patuloy na lumalaki.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito:

 

Loading...