[Panoorin] Duterte, Nakatanggap ng Katiyakan sa China na Hindi ito Magtatayo ng Imprastraktura sa Panatag Shoal

Larawan mula Panatag Shoal via Facebook page at file photoLarawan mula Panatag Shoal via Facebook page at file photo

“Hindi sila magtatayo ng kahit na ano sa Panatag Shoal out of respect for our friendship.”

Sa isang press conference sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na siniguro ng China sa kanya na hindi sila magtatayo ng imprastraktura sa Panatag Shoal.

Iginiit ni Pangulong Duterte na may ‘isang salita’ ang China sa gitna ng mga napapabalita na diumano’y mayroong Chinese construction na gagawin sa Panatag Shoal.

Ani Pangulong Duterte, ang China ay hindi gagawa ng bagay na makasisira sa relasyon nito sa Pilipinas.

“That was the assurance given by the Chinese government. They will not build anything in Panatag (Shoal) because they want our friendship. They won’t do anything to jeopardize our friendship,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

[Iyan ang tiniyak ng pamahalaan ng China. Hindi sila magtatayo ng kahit na ano sa Panatag dahil gusto nila ang ating pakikipagkaibigan. Hindi sila gagawa ng makasisira sa ating pakikipagkaibigan.]

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Pangulong Duterte noong kasagsagan ng presidential debates na sasabihan niya ang Philippine Navy na dalhin siya sa boundary  ng Spratlys upang makasakay siya ng jet ski habang dala niya ang bandila ng Pilipinas.

Turan ni Pangulong Duterte, bakit niya iyon gagawin kung magbubunga lamang ito ng hindi maganda. Aniya, maya-maya makasagasa pa siya ng pating doon.

Sinabi rin ni Pangulong Duterte kung nais niyang pumunta sa pinag-aagawang teritoryo, ay inalok siya ng China na dalhin doon lulan ng isang helicopter.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, malaya ang China na pumasok sa Panatag Shoal. Aniya, ipagbigay alam lang ito sa Navy at sa Foreign Affairs Secretary.

Sa inisyal na ulat ng Kicker Daily, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya maaaring magdeklara ng digmaan sa China dahil malalagay sa panganib ang pulisya at militar.

Kinikilala rin ni Pangulong Duterte ang tulong ng China sa pagpapabuti ng ekonomiya ng Pilipinas.

Panoorin ang pagpapatunay ni Pangulong Duterte sa sinabi ng China hinggil sa napapabalitang pagtatayo ng imprastraktura sa Panatag Shoal: