[Panoorin] ‘Easy Pechay Recipes’; Mura na, Mapapa-wow ka pa sa Sarap!

Larawan mula sa GMA News via Facebook pageLarawan mula sa GMA News via Facebook page

 “Gulay lover ka ba?”

Isa ang pechay sa mga murang gulay na mayaman sa fiber, puno ng bitamina at nagpapalakas ng resistensya. May vitamin A ito na nagpapalinaw ng mga mata at vitamin K na nagpapalakas ng mga buto. Karaniwan itong iginigisa o kaya naman ay isinasahog sa iba pang lutuin.

Bukod pa rito, may ilang pechay recipes na mapapa-wow ka sa sarap at ‘swak’ sa bulsa.

Magagamit para sa masarap na recipes ang dalawang uri ng pechay na karaniwang nakikita sa Pilipinas. Ito ay ang ang Pechay Tagalog at Pechay Baguio.

Ibinahagi ng Good News ang ilan sa pechay recipes na madaling lutuin at masarap na kainin. Try natin?

Ilan sa mga pechay recipes na ito ay ang Pechay and mushroom frittata na masarap na pang-almusal; Pechay gyoza at Cheesy pechay in bread cups na nakatatakam na pang-meryenda; at Pechay meatballs in sweet and sour sauce na pang-main course.

Sa halagang P85 hanggang P125, puwede na itong ihain para sa tatlo hanggang apat na katao.

Panoorin kung paano gawin ang madali, masarap at masustansyang pechay recipes mula sa Good News:

Loading...