[Panoorin] Isang PWD, Nakakuha ng Trabaho Gamit ang ‘Job Matching Portal’

Image capture of video by ABS-CBN News via You Tube accountImage capture of video by ABS-CBN News via You Tube account

“Dapat lamang na suportahan ang isang tao na nais makapagtrabaho nang marangal.”

Sanggol pa lang nang nalaman na may down syndrome ang isang person with disability (PWD) na ngayon ay nakapagtatrabaho na sa tulong ng isang ‘job matching portal’.

Dahil sa pagtataguyod ng pamilya ni Ryan, 28-anyos, nakapagtapos ito ng kolehiyo. Siya ngayon ay isang pharmacist assistant sa tulong ng job matching portal.

Ang UNILAB Foundation, “Project Inclusion Dare to Hire Me Now” ay isang job matching portal kung saan ay ibinabagay ang kakayahan ng isang PWD sa mga bakanteng trabaho.

Ayon sa ulat ng TV Patrol, may 15 kompanya sa Pilipinas ang nais magbigay ng mga trabaho sa mga PWD at higit 100 PWDs na rin ang nabigyan ng trabaho.

Nakasaad sa Republic Act No. 10754, Act Expanding the Benefits and Privileges of Person with Disability (PWD), ang pagbabawal sa diskriminasyon sa pagtanggap sa trabaho ng taong may kapansanan.

Isa pang batas ang Anti-age Discrimination and Employment Act na nagbabawal na ipatalastas ang paglimita ng edad ng isang aplikante.

Ani USEC. Bernard Olalia ng Department of Labor and Employment (DOLE), pinirmahan ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang implementing rules hinggil sa pagbabawal sa paglalagay ng edad ng isang manggagawa bilang requirement nito sa pagtatrabaho.

Bawal rin tanggihan ang aplikante dahil sa edad at maging kondisyon at hindi pagbibigay ng pribilehiyo dahil sa edad nito.

Papatawan ng P50,000 na multa hanggang P500,000 ang mga kompanya na lalabag dito at makukulong din ng dalawa hanggang tatlong taon.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito:

 

Loading...