Panoorin: Mga estudyante, sinorpresa si Duterte ng isang ‘Happy Birthday’ song

Imahe mula sa video na ini-upload ng ABS-CBN NewsImahe mula sa video na ini-upload ng ABS-CBN News

Dahil malapit na ang kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinorpresa siya ng ilang mag-aaral mula sa isang paaralan sa Davao City, kung saan siya naglingkod bilang alkalde sa loob ng ilang taon.

Sa isang video na in-upload ng ABS-CBN, kitang-kita ang masiglang pag-awit ng mga graduating students ng Stella Maris Academy. Suot pa ng ilan ang kani-kanila nilang mga medalya, masayang-masayang kinanta ng mga bata ang “Happy Birthday” song para sa pangulo na magdiriwang na ng ika-72 kaarawan ngayong Martes, Marso 28.

Bakas sa mukha ni Duterte kung gaano nito ikinatuwa ang performance ng mga mag-aaral para sa kanya. Makikita rin sa video na kinamayan niya ang mga guro, at waring nagpasalamat sa mga ito.

Panoorin ang surprise number ng mga estudyante para kay Duterte:

Source :

ABS-CBN News

Loading...