Panoorin: Nakaaaliw na panggagaya ni Sam Concepcion sa boses nina Charice, Ed Sheeran

Mga imahe mula sa Facebook

Paano kung marinig mo ang iyong paboritong mang-aawit na ginagaya ang tinig ng iba mo pang mga hinahangaang singer?

Kamakailan ay tinanggap ng young singer na si Sam Concepcion ang PEP Challenge, kung saan ay ginaya niya ang tinig ng mga magagaling at sikat na mang-aawit.

Una niyang ginaya ang dating katunggali niya sa isang nationwide television singing contest na si Charice Pempengco, na isa na sa mga kinikilalang mang-aawit sa loob at labas ng bansa. Noong una, natawa pa ito at  nagsabi na parang ang hirap naman daw ng challenge na iyon.

Ngunit sa kalaunan ay ginaya na niya ang boses ni Pempengco habang umaawit ng Fix You.

Bukod sa boses ni Pempengco, ginaya rin ni Concepcion sina Ed Sheeran, Justin Bieber, Bob Marle, at Gary Valenciano.

Panoorin ang video ng PEP Challenge ni Sam Concepcion: