[PANOORIN] Rockstar na mga madre na nagtanghal noon sa harap ni Pope Francis

Mga imahe mula sa Pic it at Siervas FB pages.Mga imahe mula sa Pic it at Siervas FB pages.

Ang mga madre ay karaniwang tahimik at mahinhin, pero kapag nakilala mo ang mga madre sa Peru na gumawa ng isang rockband ay mapapa-wow ka na lang.

Hinggil sa Daily Mail, ang pangalan ng rockband ng mga madre mula sa bansang Peru ay “Siervas” na nangangahulugang “Tagapaglingkod” sa wikang Filipino.

Ang naturang grupo ng mga madre ay nakapag-perform na sa harap ni Pope Francis sa Mexico.

Ang “Siervas [Tagapaglingkod]” ay sumikat dahil sa viral nilang Youtube music video kung saan ay itinanghal nila ang awiting “Trust in God.”

Ang grupo ay kinabibilangan ng mga madre buhat sa Peru, China, Japan, Ecuador at Chile.

Sa kanilang mga pagtatanghal sila ay nakasuot ng abito habang nagpe-perform gamit ang mga rock instrument.

Hindi umano nila inaasahan na sila ay labis na sisikat.

“We couldn’t believe how many people were watching our video,” sabi ni Sister Monica sa CNN, ayon sa isang artikulo ng Daily Mail.

[Hindi kami makapaniwala na maraming tao ang nanood sa aming video.]

Isang araw daw ay nakatanggap sila ng tawag mula sa isang paring Mexican na inaanyayahan silang magtanghal sa harap ni Pope Francis.

“I never dreamed I would ever get to play for the Pope, words cannot express how it feels,” ani Sister Candy.

[Hindi ko kailan man inakala na magtatanghal ako sa harap ng Papa, hindi kayang ilarawan ng salita ang aking pakiramdam.]

Ayon sa mga madre, kaya nila ginagawa ito ay upang maipakalat ang salita ng Diyos sa buong mundo. Ang kanilang mga awitin ay espirituwal kahitt ito ay rock.

“Our faith speaks volumes, which is what we are hoping to transmit to young people around the world,” sabi ni Sister Cindy.

[Ang aming pananampalataya ay nagpapahayag ng maraming bagay, na nilalayon naming iparating sa mga kabataan sa buong sanlibutan.]

Panoorin ang isang video ng mga madre mula sa BBC Facebook page:

Loading...