Panukalang Batas ni Sen. De Lima: “Bata Bawal Nang Paluin”

Public domainPublic domain

 Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.  Kaya naman upang maisakatuparan ito ay marapat na proteksyunan sila laban sa mga mapang-abuso.

Isinusulong ngayon ang panukalang batas ni Senador Leila De Lima na nagbabawal sa pananakit sa mga bata.

Maaari nang makasuhan ang sinuman, kahit pa magulang ng bata, na nananakit nang pisikal o maging pamamahiya sa  mga bata.

Ito’y sa sandaling mapagtibay  ang Senate Bill (SB) No. 1348 o ang “Anti-Corporal Punishment Act of 2017” na tuluyan nang magbabawal sa anumang uri ng corporal punishment tulad ng pamamalo; ayon sa ulat ng Abante.

Layunin ng panukalang batas na ito na iligtas o ilayo ang mga kabataan sa ating bansa mula sa mga pisikal na kaparusahan at lahat ng uri ng panghihiya at tratong nakapagpapababa ng sarili.

In the Philippines, there is no specific law that prohibits the use of corporal punishment or physical violence against children,” nakasaad pa sa panukala.

Lahat ng kaparusahang pisikal at anumang uri ng pamamahiyang trato sa mga bata ay ipagbabawal na sa bahay, paaralan, institusyon, alternative care systems, lugar ng trabaho at kulungan; ayon sa panukalang batas na ito na isinusulong ni De Lima.

Maliban sa pamamalo o spanking gamit ang kamay, kahoy, walis, sinturon, sapatos, wooden spoon at iba pang kahalintulad na gamit, ipinagbabawal rin ang pananampal, paghila ng buhok, pagtulak at iba pang parusa na gamit ang pisikal na puwersa na nakasasakit.

Physical punishment makes kids more aggressive; Physical punishment encourages kids to conti­nue the cycle of abuse; and spanking actually alters kids’ brains,” ayon pa sa panukala.

 

Source :

Abante, Senate

Loading...