Passion ni Marian sa flower arrangement, nag-uumapaw; nag-workshop pa sa Tokyo

Mga imahe mula sa YouTube at InstagramMga imahe mula sa YouTube at Instagram

Isang katuparan ng pangarap para sa popular actress na si Marian Rivera ang magkaroon ng flower shop, kaya naman talagang sineseryoso niya nang husto ang kanyang bubuksang negosyo at nag-workshop pa sa pinakasikat at pinakamagaling na floral artist sa Japan.

Ayon sa Pilipino Star Ngayon, hindi basta pamamasyal lang ang ipinunta ni Rivera at ng kanyang asawa’t anak sa Japan. Nag-workshop din ito sa Japan’s top floral artist na si Nicolai Bergmann.

Ang paaralan na Nicolai Bergmann International School of Floristry sa Tokyo — na ayon sa website nito ay matatagpuan sa Tokyo’s most fashionable district, Omotesando — ay nag-o-offer  ng iba’t ibang kurso at workshops para sa mga fresh and preserved flower arrangements.

Napakaganda umano ng turo sa nasabing eskwelahan at si Bergmann mismo na may-ari ang humahasa sa mga mag-aaral.

Dahil dito, hindi kataka-taka kung magiging kakaiba ang io-offer na arrangement ng bubuksang flower shop ni Rivera na Flora Vida by Marian.

Samantala, bagama’t medyo may kamahalan daw ang mga bulaklak ni Rivera ay sulit naman umano dahil hindi ito madaling malalanta.

Ang flower shop na bubuksan ni Rivera ay regalo sa kanya ng asawang si Dingdong Dantes. Panoorin isang panayam kung saan nagkuwento ang aktres tungkol sa kanyang bubuksang negosyo: