Patatas, maaaring itanim at umusbong sa planetang Mars ayon sa mga siyentista

Image from Planet Facts Image from Planet Facts

Kung napanood ninyo ang Hollywood movie na “The Martian” na pinagbidahan ni Matt Damon bilang isang astronaut na na-stranded sa planet Mars at kinailangang magtanim ng patatas upang mayroon siyang makain, marahil ay napaisip  kayo kung maaari nga bang mabuhay sa Red Planet ang mga patatas.

Pero ngayon, ang mga tunay na siyentista ay may katibayan na ang ginawa ng karakter ni Matt Damon sa nabanggit na pelikula ay posible.

Ayon sa Space, noong nakaraang taon ay nag-eksperimento at nagtanim ang mga mananaliksik sa International Potato Center sa Peru ng patatas sa loob ng isang Cube Satellite (CubeSat) container na ang kondisyon sa loob ay ginawa upang maging katulad ng “extreme condition” sa Mars.

Ang CubeSat ay kinabitan ng mga hose, pumps, LED lights at iba pang instrumento upang makagawa sa loob nito ng temperaturang tulad ng sa Mars, ang siklo ng araw at gabi doon, ang level ng oxygen at carbon dioxide at air pressure. Ang lupa na ginamit ay ang lupang nakukuha sa Pampas De la Joya Desert sa Peru na hawig sa lupa sa Red Planet.

Pagkatapos noon ay kinunan nila ng video upang makita kung ano ang magiging resulta.

Ang pagsibol ng patatas ay mapapanood sa time-lapsed video na ito:

 

 

Source :

Space, Futurism, Time

Loading...