Pinaghihirapang bahay sa Subic, huli na para sa yumaong ama ni Tom

Imahe mula sa FacebokImahe mula sa Facebok

Nang namatay ang ama ni Tom Rodriguez, naging huli na ang lahat para matupad pa niya ang layunin na ibigay dito ang pinapangarap na bahay sa Subic.

Ayon sa Pilipino Star Ngayon, nag-iipon si Rodriguez para mabili ang dream house ng kanyang ama; isang bahay na matatagpuan sa Subic.

“My dad went through ano, e, this past year, been battling cancer. So, iyon ‘yung sinabi ko kay Daddy, ‘Hey, you better get ano, hurry up, magpagaling ka because I wanna take you here. ‘Yung dream niyang bahay sa Subic where he spent a lot of his time din. Iyon ang pinagtatrabahuan ko ngayon,” saad niya.

Ngunit laking gulat ng lahat noong sumakabilang-buhay na ang Amerikanong ama niya na naninirahan sa Arizona, USA dahil sa sakit na lung cancer.

Pinanood pa ng ama ni Rodriguez ang show nila nina Dennis Trillo, Lovi Poe, at Jennylyn Mercado sa Los Angeles noong nakaraang buwan. Bumiyahe ito mula Yuma, Arizona kasama ang pamilya para lamang  mapanood ang kanyang anak.

Samantala, sa pamamagitan naman ng isang post, sinabi ng aktres na si Carla Abellana na ang ama ng kanyang nobyong si Rodriguez ang pinakamatapang na lalaking nakilala niya.

Labis na hinahangaan ni Rodriguez ang kanyang ama at ito rin daw ang dahilan kung bakit nais niya munang maayos ang kalagayan ng kanyang pamilya bago siya magpakasal. Panoorin ang ulat tungkol sa pagkawala ng ama ng aktor:

Source :

Philstar, GMA, PEP, YouTube