Planong paniningil ng MMDA ng “congestion fee” sa mga motoristang gagamit ng EDSA, binatikos

Image capture of video by News 5 via InterAksyonImage capture of video by News 5 via InterAksyon

Nagpakita ng pagkabugnot si Senior Deputy Minority Leader Buhay Rep. Lito Atienza sa proposal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na patawan ng “congestion fee” ang mga motoristang dadaan sa EDSA tuwing rush hour.

Ayon sa The Daily Tribune, tinawag umano ni Atienza na isang “hare-brained idea” ang mungkahi ng MMDA. Bakit raw parurusahan ang mga motorista dahil sa pagiging inutil ng ahensiya.

Sinabi pa ni Atienza na dapat umanong ipaalam sa MMDA na ang dahilan ng palaging pagsisikip ng EDSA ay dahil sa mga colorum na mga provincial bus na ilegal na dumaraan doon. Pinansin ng mambabatas na kapag kakaunti ang mga bus sa EDSA ay maluwag ito.

Ang nararapat umanong gawin ng MMDA upang lumuwag ang EDSA ay istriktong ipatupad ang batas katulad ng pagbabawal sa mga colorum bus, pagtanggal ng mga obstructions tulad ng mga ilegal na istruktura at mga ilegal na nakaparadang mga sasakyan sa mga secondary streets.