Pope Francis bubuksan ang Simbahan para sa mga paring may-asawa?

Image from Franciscan Media Facebook pageImage from Franciscan Media Facebook page

Bagama’t hindi direktang sinabi ni Pope Francis na handa na ang Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng mga paring may-asawa, mistulang binuksan naman nito ang posilibidad ng pagbabago sa isa sa pinakamatanda at pinakamahigpit na alituntunin ng Simbahan.

Sa panayam ng pahayagang Aleman na Die Zeit, tinanong ang Santo Papa kung ano ang magiging hakbang ng Vatican sa tila pakonti nang pakonting mga pari sa ilang panig ng mundo.

Ayon kay Pope Francis, isa sa maaaring tingnan ay ang posibilidad ng paggamit ng mga “viri probati” o ang pag-ordain sa mga lalaking may-asawa bilang pari.

 “We have to reflect about whether the viri probati are a possibility. Then we also have to determine which tasks they could have, for example in far distant parishes,” ayon kay Pope.

Pero dapat din umanong malaman kung ang Banal na Espiritu ay nagbibigay ng palatandaan na maaari na itong gawin dahil sa pangangailangan ng Simbahan.

“In the Church, it is always important to recognize the right moment, to recognize when the Holy Spirit demands something. That is why I say that we will continue to reflect about the viri probati,” paliwanag pa ng Santo Papa.

Subalit sa nasabi ring panayam, ibinasura ni Pope Francis ang ideya na gawin na lamang opsiyonal ang ‘celibacy’ para sa mga pari dahil hindi umano ito ang solusyon sa problema.

Matagal nang binabagabag ang Simbahan ng mga eskandalong kinasasangkutan ng mga pari tulad na lamang ng pang-aabusong seksuwal, ‘homosexuality’ at pagkakaroon ng mga kalaguyo at asawa.

Sa mga nagdaang taon, tila nababawasan na rin ang bilang ng mga lalaking nagkakaroon ng interes para pasukin ang pagsisilbi sa Diyos.

Ganunpaman, dapat umanong harapin ng Simbahan ang problemang ito nang walang takot, ayon sa Santo Papa,

“Fears close doors, freedom opens them, and even when [the space for] liberty is small, it opens a window,” dagdag pa ni Pope Francis.

Loading...