Private lawyer, nagprisintang abogado ng mga kabataang kinompronta ni Jim Paredes, singer balak kasuhan

Image capture of video by PRRD realworld Image capture of video by PRRD realworld

Isang pribadong abogado ang nagprisinta na maging kinatawan ng siyam na kabataang miyembro ng “Duterte Youth” na kinompronta at ipinahiya ng mang-aawit si Jim Paredes sa EDSA People Power Anniversary noong Sabado, ika-25 ng Pebrero.

“I will take up the case that may be filed [Kukunin ko na ang kaso na maaaring i-file],” sabi ni Atty. Lorenzo Gadon patungkol sa anumang kasong nais isampa ng mga kabataan na pinangunahan ni Ronald Cardema.

“Buong-buo ang posibleng kaso kay Paredes. Maaaring kasuhan siya ng unjust vexation kasi pinahiya niya ‘yung mga bata, pati na rin ang theft, kasi ninakaw nila ‘yung tarp ng grupo. Gusto lang niyang sumikat ulit dahil isa na siyang laos na artista. Kataka-taka na mga bata ang gusto niyang kadebatehan. Kakasuhan siya ng unjust vexation at theft dahil ‘yung mga tarpaulin na hinablot niya hindi naman sa kanya ‘yun,”  sabi ni Gadon sa press conference na ipinatawag ni Solicitor General Jose Calida noong Lunes, ika-27 ng Pebrero.

Ayon sa Balitang Pinas, nagpaliwanag naman si Cardema kung bakit sila nasa EDSA noong araw na iyon.

“We just wanted to show our support to President Rodrigo Duterte. EDSA is not under any one group. Paano naging masama na magpakita kami doon at magpakita ng suporta sa Presidente?” sabi ni Cardema.

Loading...