Pulis hinangaan sa social media dahil sa pagkakahawig sa karakter ni Maja Salvador sa “Ang Probinsyano”

Images from Filipino Vines/ Je Anne Cayabyab's Facebook pageImages from Filipino Vines/ Je Anne Cayabyab's Facebook page
Image from Je Anne Cayabyab's Facebook post

Image from Je Anne Cayabyab’s Facebook post

MAYNILA, Pilipinas – Hinahangaan ngayon sa social media ang isang magandang pulis dahil sa kaniyang pagkakahawig sa karakter ni Maja Salvador na si PO3 Glenda Corpuz sa sikat na Kapamilya teleseryeng “Ang Probinsiyano”.

Nakilala ang naturang pulis na si PO1 Je Anne Cayabyab na nakatalaga sa Dagupan, Pangasinan.

Nitong Marso, isa si Je Anne sa mga nanalo sa ginanap na Miss EVA-Pangasinan pageant sa Lingayen bilang 2nd Place.

Marami ang humanga sa taglay na kagandahan ni JeAnne matapos ibahagi ang kaniyang mga larawan ng Facebook page na Filipino Vines.

“Kung ganyan naman kaganda ang huhuli sa akin, o.k Lang kahit wala akong kasalanan papaposas pa ako sa kanya,’ sabi ng isang commenter.

“’Di na ako papalag. Pahuli na lang po ako basta araw araw ko lang makita ang mukha nya sa presinto,” dagdag naman ng isa pa.

Nagpasalamat naman si Je Anne sa mga nagbigay ng papuri sa kaniya. Ito ang kaniyang mensahe:

“Thanks for this po! Hello po sa lahat… Just wanna take this chance to say “Keep supporting ur manong and manang pulis!”