Puneraryang Naningil ng P75,000, Nag-embalsamo ng Bangkay na Walang Abiso sa Pamilya, Inireklamo

CANDLE

(Dasmariñas, Cavite) Isang puneraryang naningil umano ng P75,000 ang inireklamo, matapos itong mag-embalsamo ng bangkay nang wala umanong abiso sa pamilya.

Inembalsamo diumano ang bangkay ni ‘Rommel’ Basa ng Starlight Funeral Homes Services nang walang pasabi sa pamilya, ayon sa ulat ng TV Patrol.

Paliwanag ni Bambie Basa, kamag-anak ni Rommel, wala silang sinabi na buksan ang bangkay at sila ay dumating lamang sa punerarya upang pumirma ng release order.

Itinanggi naman ni William Del Rosario, operations manager ng punerarya, ang mga paratang at ipinakita rin nito ang consent for autopsy na pinirmahan ng kapatid ni Rommel.

Ani Del Rosario, nagtanong ang kapatid ni Rommel ng presyo, ibinigay naman nila ang buong package of services at tumawad pa ito sa kanila.

Pinaiimbestigahan na ng Dasmariñas Local Government Unit (LGU) ang nasabing insidente. Nakitaan din umano nila agad ng ilang paglabag ang nasabing punerarya.

Nagtataka rin si Mayor Elpidio Barzaga kung bakit sa punerarya dinala ng IMUS PNP si Rommel at hindi sa ospital.

Posible umanong ipasuspinde o ipasara ang punerarya; depende sa kahihinatnan ng imbestigasyon.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito ng TV Patrol: