Relationship Goals:  Magkasintahan Sabay Nakapasa sa  Physician Licensure Exams, Babae 4th Placer Pa

Imahe mula sa Facebook account ni  Maude TabigueImahe mula sa Facebook account ni Maude Tabigue

Wala na sigurong sasarap pa sa pakiramdam ng magkasintahang magkasabay na inaabot ang kanilang mga pangarap.

Walang  mapagsidlan ng kasiyahan ang magkasintahan nang sabay silang nakapasa sa Physician Licensure Examination.

Si Maude Tabigue, 26-anyos, ay nagtapos ng kursong medisina sa Southwestern University Matias H. Aznar Memorial College of Medicine sa Cebu City.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sa 1,317 kumuha ng pagsusulit, 813 lamang ang nakapasa; kabilang si Tabigue na nakakuha ng markang 84 at 4th place sa naturang pagsusulit.

Ayon kay Tabigue, ito’y natupad na pangarap  para sa kaniya na naging kauna-unahang doktor sa kanilang pamilya sa Carmen, Bohol.

I offer this (success) to God, and to my family of course,” ayon kay Tabigue.

Maliban sa kaniya, nakapasa rin sa pagsusulit ang kaniyang 2-taong kasintahan na si Lui Alvarez, na pinaghuhugutan niya ng inspirasyon.

It’s possible, really. You just have to help each other, avoid unnecessary conflict and be each other’s study buddy,” ani Tabigue.

Ang magkasintahan ay nagkakilala sa nasabing medical school at magkasabay na nag-review sa board exam.

Plano umano ni Tabique na umuwi sa Bohol upang magbakasyon bago magtrabaho sa isang ospital sa Cebu City. Siya ay espesyalista sa internal medicine.

Source :

Facebook, ABS CBN