Robredo, balak kasuhan ang website na nagsabing sangkot ang yumaong asawa sa ilegal na sugal, droga

Image capture of video by ANC Image capture of video by ANC

Plano ni Bise Presidente Leni Robredo na magsampa ng kaso laban sa isang website, na hindi man tuwirang pinangalanan ay malinaw na tinutukoy ang “We Are Collective” kung saan inilathala ang mga alegasyon tungkol sa kanyang yumaong asawa na si Jesse Robredo  – na nagsilbi noon sa pamahalaan bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon sa Inquirer, ang isang blog na tinawag na #NagaLeaks na inilabas sa naturang website ay nag-ugnay sa yumaong Jesse Robredo sa droga at jueteng noong siya ay alkalde pa ng Naga City.

“For a very long time grabe ang viciousness…ako ang nasa receiving end ng lahat na viciousness. Never ko talaga sinagot. Never akong pumatol, pero nung sinet-up itong website, ang tinira nang tinira ang yumao kong asawa, tingin ko they have crossed the line,” sabi ni Robredo sa mga mamamahayag.

Dagdag na niya: “’Yung asawa ko, wala dito to defend himself. Kaya ‘yung sa akin, seriously, nag-iisip talaga ng legal action. Pinag-aaralan.”

 

Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading...