Sa Kabila ng Isinampang Impeachment at Banta ng ICC, Duterte Hindi Mapipigilan sa Kaniyang War on Drugs

Image from Minda Nation

Hindi umano mapipigilan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang kampanya laban sa iligal na droga kahit pa maharap ito sa impeachment case at posibleng prosekusyon sa International Criminal Court (ICC).

I will not be intimidated and I shall not be stopped by just what International Criminal Court, impeachment. If that is part of my destiny, it is my destiny to go,” ayon sa talumpati ni Duterte bago tumulak patungong Myanmar at Thailand.

Maybe God gave me only 2 years and 6 months, 1 year and a half to be President of this country, fine. Basta let it not be said na hindi ko ibinigay ang ipinangako ko.”

Ayon pa kay Duterte, ang laban sa kriminalidad ay magpapatuloy at magiging brutal laban sa mga suspek na manlalaban sa mga awtoridad.

Iginiit naman ni Duterte na ang mga sundalo at kapulisan ay sinanay na huwag sumunod sa “illegal orders” na patayin ang mga suspek na sumuko nang mapayapa; ayon sa ulat ng ABS CBN.

Nitong Miyerkules, naghain ng impeachment complaint ang dating sundalo at ngayo’y Magdalo Representative na si Gary Alejano laban kay Duterte sa diumano’y high crimes, betrayal of public trust, at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Kung sakaling bigo si Alejano sa kaniyang isinampang impeachment  sa Kongreso, isa pang kasong posibleng ihain laban kay Duterte ay sa ICC; ito naman ay ayon kay international law expert Tony La Viña.

Panoorin ang video na ito mula sa ABS CBN: