Sa Kabila ng Kaniyang Failed Marriage; Sunshine Dizon Hinikayat pa rin ang Ibang mga Kababaihan na Magpakasal

Imahe mula sa Facebook ni Sunshine DizonImahe mula sa Facebook ni Sunshine Dizon

Sa kabila ng kaniyang failed marriage, hinikayat pa rin ng Kapuso actress na si Sunshine ang ibang mga kababaihan na magpakasal.

Ayon sa aktres, anuman ang nangyari sa kaniyang  personal na buhay hindi raw ito dahilan upang maging bitter siya.

Hindi naman ako yung tipong misery loves company,” ayon kay Dizon.

Kung dahil lamang sa kaniyang “failed marriage”, hindi umano niya pinipigilan ang mga taong nais magpakasal; ayon sa  ulat ng GMA.

Ani Sunshine, “It’s still their prerogative.”

“I wouldn’t say anything bad or wrong just because I went through some difficulties with my marriage.

“Who am I to tell them not to do something or advise them na parang mag-ingat or what?

“Choice nila ‘yun pero, as a friend, may mga advice ka lang.”

Magugunitang iniurong na ng aktres ang kaso laban sa kaniyang estranged husband na si Timothy Tan, na lumabag umano sa Anti-Violence Against Women and their Children Act at concubinage.

Ang dahilan umano ng pag-urong nito ng kaso laban sa asawa ay upang maprotektahan ang relasyon ng kanyang mga anak na sina Doreen at Anton sa kanilang ama.

Samantala marami raw natutunan si Sunshine bilang co-star sa GMA-7 afternoon drama series na Ika-6 Na Utos.

Naging mas matatag daw si Sunshine, ngunit aniya, “I wouldn’t say I’m super strong or what.

“I think every day is a choice, you just push through or not”.

Ako, I just push forward. Wala naman akong ibang aasahan kung hindi sarili ko lang din.

“So… better make something of yourself and do better.”

 “At saka, as long as my kids are doing well and okay, I’m fine,” saad pa ng Kapuso actress.

Loading...