Sandra Cam nag-‘beast mode’ sa NAIA dahil hindi nabigyan ng VIP treatment?

Image from Para sa bayan Facebook pageImage from Para sa bayan Facebook page

MAYNILA, Pilipinas – Gumawa umano ng eksena ang whistleblower na si Sandra Cam matapos hindi ito mabigyan ng VIP treatment sa VIP lounge ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan.

Nangyari ng insidente noong nakaraang buwan subalit nito lamang ika-11 nang Marso naiulat ng Inquirer.

Ayon sa kuwento, papuntang Masbate si Cam noong ika-16 nang Pebrero at may escort itong mga NAIA police habang papasok ng VIP lounge ng terminal.

Dahil napagkamalang isang opisyal ng gobyerno, hiningan daw ng staff si Cam ng government ID subalit wala itong maipakita maliban sa kaniyang credit card.

Ipinagmalaki rin umano ng natalong senatorial bet na magkakaroon na siya ng government ID sa loob ng tatlong buwan dahil nakatakda na siyang italaga sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil hindi isang opisyal ng gobyerno, siningil umano si Cam ng P1,200 bilang bayad sa paggamit ng lounge ayon na rin sa patakaran ng airport.

Dito na umano nagsimulang uminit ang ulo ng kontrobersiyal na whistleblower at iginiit na kaya siya may police escort dahil isa siyang ‘high-risk’ na pasahero. (Tunghayan ang kuwento sa susunod na pahina)